Miyerkules, Abril 25, 2012

This Is Me!

It's been a while since di ko siya nakakatext. ilang linggo na rin ang nakakalipas. medyo masasabi ko na rin na nasanay na ako na di ko siya ka text! medyo naka move on na rin. pero mahirap palang takasan ang isang alaala na alam mong ni minsan ay hindi mo makalimutan nakakamiss din, aaminin ko! wala na kasing mag rereply sa mga "Good Morning :D" messages ko. pero ayos na rin siguro yung nangyari. ika nga nila "God has special plans" kaya hinayaan ko na rin na ganun! ngunit, subalit, hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay pilit kong itinataas ang aking pag-asa or in other words hopes up pa rin ako. everytime kasi na nag o'online ako at online din siya, di ko maiwasan na isipin o sa madaling salita mag assume na i chat niya ako at hingin niya ulit number ko! Nga pala iba na kasi cell number ko ehh, napaglaruan kasi ni TANGA a.k.a  ME, pero about sa chat thingy, di pa rin nangyayari yun hanggang ngayon. i had a lot of sleepless nights na rin because of that. well, siguro nga talaga hanggang doon lang yung plan ni Lord for me. pero hirap din tanggapin. as in super hirap. kaya ngayon, binabasa ko na lang yung mga na saved messages ko from him. di ko rin maiwasang isipin na "bakit kasi kailangang mangyari ang lahat ng ito? bakit kung kailan perfect na ang lahat, kailangang may magbago?" kaso di ko rin masagot sagot yang mga tanong kong yan ehh. minsan iniisip ko na lang na everything happens for a reason naging motto in life ko na nga yan eh. pero di pa rin maiwasan ang doubts. may friend din ako na nag sabi "Lesson mo na rin yan para matuto ka" ang di ko lang maintindihan is why did God gave me that kind of feeling na minsan eh umaabot pa sa point na minsan tears will just fall down from my eyes. sakit noh, di ko akalain na magiging ganito feelings ko. yung tipo bang super hirap i explain. ang bigat sa chest. super. kaya ngayon, eto ako, laging nag iisip, hindi naman nakatulala pero laging nag iisip. pero sa tingin ko ayos na rin na nangyari to. may problems din ako when it comes to "HIM":

Problem to solve number 1:
selos ako :(

nagseselos ako! ewan ko kung bakit pero nag seselos ako. kahit na i keep on reminding myself na "Emmz, wala kang dapat ipag selos kasi hindi naman kayo" ewan ko ba. Ganito pala feeling ng super inlove! nakakalito hirap pala ng feeling na nakakaramdam ka ng selos. pero sa lahat ng mga naging crush ko, sa kanya lang talaga ako nakaramdam ng Super duper heavy selos. :((((((

Problem to solve number 2:
di ko siya makalimutan :(
eh sino ba naman kasi ang gustong kalimutan yung taong minsan ay nagpasaya sa kanya dba?! eto nga ehh, lagi kong sinasabi, kakalimutan ko na siya pero everytime naman na nasasabi ko yun bigla na lang may mag p'pop na signage na apelyido or a choo choo na connected sa kanya! eto nga ehh, nag pa henna ako, and surname niya pinalagay ko! Lakas tama ko dba? Pano ko talaga siya makaklimutan?! right?

Problem to solve number 3:
sleepless nights because of him :(
Lagi ko siyang iniisip. yun lang yon!

Problem to solve number 4:
di ko alam kung kanino ko sasabihin lang na 'to :(
aba, ang hirap kaya mag express ng feelings kahit pa sabihin mong kaibigan mo yun. iba pa rin talaga kapag alam mo or naiintindihan nila yung feelings mo!

Problem to solve number 5:
Miss ko na siya :(
di ko alam kung dapat bang ma miss ko siya! pero sa pag kakaalam ko eh dapat talaga! basta miss ko na siya

dami kong problema! basta laking bagay din ng blog! kaya pray lang ng pray!
Laging tandaan: don't cry because it's over, smile because it happened


kaya ngayon isa na lang ang alaways kong ginagawa kapag naiisip ko siya! hmm ano nga ba yun? Tago na lang natin sa tawag na saved messages tulad neto ohh.





yan na lang siguro ung mga pag asa ko ngayon para sumaya kahit papano! Nkakalungkot mang isipin pero Tapos na talaga ehh!

Wala na akong magagawa pang iba kundi ang ituloy ang buhay. Salamat na lang rin sa kanya. kasi kahit papaano eh napasaya niya ako! :)))

ayos na ako kesa naman dati na hanggang tingin lang ako sa kanya. smile smile na lang rin kahit it hurts a lot.

sabi nga dba: smile though it hurts you 




Life Goes On and On and On and On...... :))

Biyernes, Abril 20, 2012

Okay ka lang?!?!

Be happy and smile even though it hurts inside!
ewan ko ba kung bakit gusto kong mag post tungkol sa ka-si-ya-han  na tinatawag!. malamang siguro kasi malungkot ako o dahil kasi may nakita ako kanina na sabihin na lang natin na panandaliang kasiyahan na napalitan agad ng Lungkot na post ng isang taong napaka malapit sa puso ko! 
pero paano nga ba talaga madarama ang tunay na kasiyahan? kasi sa mga panahong ito parang ang hirap na humanap ng isa eh! para bang ang lahat ay mga panandaliang kasiyahan lamang. yun bang feeling na sana hindi na lang matapos ang lahat. 
Subalit, ngunit, dadapwat mas masakit kapag nakikita mo na masaya na ang taong mahal mo at yung kasiyahan na iyon ay HINDI oo HINDI dahil sayo. Para bang "ang saya naman kasi masaya na si *insert name here*" pero maya maya bigla mong maiisip "masaya na siya, siguro dapat na rin akong sumaya pero paano?" Alam ko naman na bukod sa mga magulang and friends natin eh isa pang nagpapasaya sa atin ay alam na! si ano! oo si ano! :"> tunay nga naman na napaka lakas ng tama ng kasiyahan sayo kapag andyan si ANO! dba?! pero sasaya ka pa kaya kapag nalaman mong masaya na siya? tulad niyan, nakita mo sa facebook status at twitter tweet na masaya na siya kasi sa wakas pinansin na siya ng mahal niya o di kaya basta about sa kanyang pagiging masaya! dba it made you think na dapat ikaw rin maging masaya na? eh kailan ka pa sasaya? diba pwede namang   sumaya kahit minsan? nowadays kasi parang mahirap nang sumaya eh! :( basta i want to end this na cause i don't think that i'm making sense right now. ang masasabi ko lang is hindi solusyon ang pag-iyak! okay? everything will be alright! Promise! :) kaya Smile lang ahh?!?!

Huwebes, Abril 12, 2012

Blah Blah Blah

Text: a simple exchange of message that can turn everything into something special

Bakit kailangang matapos ang lahat? Bakit walang bagay na nagtatagal?

nakakalungkot mang isipin pero lahat ng bagay ay may hangganan. oo meron, pati nga pag ibig dba? may katapusan din. pero bakit kasi kailangang may hanggan? bakit di na lang pwedeng walang katapusan?

tapos na maliligayang araw mo simula nung hindi mo na siya makatext. dahilan mo?  "kasi pag tinext ko pa siya, mas masasaktan lang ako kapag hindi siya nagreply". eh tanga ka pala eh. tapos eetchos ka at maglalaro ka ng toss coin na kung heads i tetext mo siya tas pag tail hindi mo na siya i t'text. ano ka baliw? kahibanagan . 

Bakit mo nga ba siya hindi na i t'text? may ginawa ba siyang mali sayo? may ginawa ba siya na nakasakit sayo? Bakit? Bakit?

eh kasi yung tipong Di-ko-na-lang-siya-it'text-para-di-na-ako-masaktan-pa na mga drama mo. aren't you getting tired of it? wala namang ginawa yung tao tas sasabihin mo sinaktan ka? eh OGAGS ka pala eh.

Alam mo, ikaw lang din naman kasi yung nagpapasakit ng nadarama mo eh, di lang magtext ng isang araw  iisipin, "nakalimot na siya" di lang mapasahan ng gm iisipin "wala na, di na yun magpaparamdam" porket ba hindi siya nag paramdam nakalimot agad? di ba pwedeng wala muna siyang load?

hay, nga naman, laking bagay nga naman nadudulot ng mga text messages na yan. biruin mo ha, sa text, pwede mong sabihin lahat ng nadarama mo. Lalo na sa mga GM mo. 
Aba, pwede ka kayang magpatama sa GM, kahit anong salitang nais mong iparating! as in patama na hindi man lang tumama sa mahal mo. diba diba? aminin? nagpapatama ka rin sa mga GM's mo! ahahaha

tapos sa text ka rin pwedeng magpakilala bilang secret admirer sa taong gustong gusto mo. as in gusto to the highest level. yung mga moments niyo ba na magtetext kahit pasado ala una na ng madaling araw. gusto mo siya eh kaya i'ttext mo siya kahit anong antok mo. aba minsan lang kaya mangyari yun. aayaw ka pa? try mo kaya?  tapos bawat text pa niya sin'save mo pa. kahit mapuno pa yang inbox mo ng text niya.

Pati ata smiley face at blank message niya sin'save pa eh. 
sus, nga naman noh, masarap talaga ang feeling na katext mo yung crush/mahal mo.

it will give you that kilig to the max feeling. 

pero bakit matapos lahat ng saya, kilig. sakit ang nararamdaman mo? Karma ba 'to?
tapos mababalitaan mo na wala na siyang phone! ooooohmmmyyygulaaayyyy ang drama. XD

Mas nasaktan ka pa kasi bukod sa nagsisisi ka nalulungkot pa at the same time! why?
nagsisisi ka kasi sinayang mo yung mga opurtunidad na pwede kayong magkatext.
nalulungkot ka rin kasi hindi na niya alam number mo at mawawalan na kayo ng 
ko-mu-ni-kas-yon
higit sa lahat malulungkot ka kasi di mo na siya mas'sendan ng mga GM mong patama sa kanya. ahahaha KIDDING. XDD

aha! alam ko na dapat mong gawin, balik balikan mo na lang mga texts niyo dati. yun ay kung nakasave. basta isipin mo na lang yung mga alaala niyong dalawa (sa text syempre).

tandaan mo 'to ah! Isaksak mo sa kokote mo! ahaha (peace tayo)! : don't cry because it's over, smile because it happened.

tandaan mo yun ahh!

this post is dedicated to my self

Linggo, Abril 8, 2012

Agad–agad?


Tayo nga naman oo, maka text lang si crush, kilig agad, di lang makatulog kapag nakausap ang crush in love agad.  Hay, bakit ba kailangang mag madali? Di ba pwedeng take it slow muna? As in hinay hinay? Kaya maraming nasasaktan eh, kaya maraming umaasa. Gusto pag tungtong ng high school may boyfriend agad. Grabe kayo. Grabe lang ah.

Pero hindi naman masamang magmadali, ilagay nga lamang ito sa tama. Huwag sanang umabot sa oras na gagawin mo na ang lahat para lang makuha ang isang bagay. tandaan mo PATIENCE IS A VIRTUE. Hindi masamang mag hintay. At kung sa pag-ibig man yan, konting pasensya, oo matagal, pero pag dumating yan, sobra pa sa ineexpect mo and darating sayo. MAGHINTAY KA!  MAGHINTAY,

Pero bakit nga ba kailangang maghintay pagdating sa pag-ibig? Ahh! Alam ko na kung bakit. Bakit? Kasi may mas BAGAY, may mas MAGMAMAHAL pa sayo tulad ng pagmamahal mo sa isang tao. Teka teka, bakit nga puro pag-ibig ang pinag uusapan natin? Maiba nga naman tayo. Okay, going back, walang masamang maghintay. Sometimes it’s better to wait for something or someone even if it’s too long because you don’t know what your wait is worth.

Kaso wala akong maisip na ibang bagay tungkol sa pag hihintay eh. Puro laman ng isip ko pag-ibig. Ewan ko kung bakit siguro kasi may inspirasyon na naman ako. Okay. Pag-ibig na nga lang ulit. So, pag-ibig, paano ko ba sisimulan ulit ito? Ayon, maghintay tayo sa tamang pag-ibig. Malamang karamihan sa atin iniisip pag nakatagpo tayo ng isang tao siya na. NGAKAKAMALI KA ISANG PAGKAKAMALI. Ano ba! Mag isip ka nga! TRUE LOVE waits noh! TRUE LOVE waits. Yang mga panandalian pag-ibig nay an mga kuya’t ate, PUPPY LOVE lang yan. Hindi yan true love kasi nga dba paulit ulit kong sinasabi TRUE LOVE WAITS.

Mag hintay ka lang. Darating din yan. Sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon. Hindi man ngayon, pero balang  araw darating at darating din yan. Wag magmadali, MAGHINTAY OKAY? MAGHINTAY! Walang bayad yun. Walang wala.

Sabado, Abril 7, 2012

Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sayo.


Masakit mang tanggapin, pero totoo. Alam naman natin na Truth always Hurts diba? Pero it’s for our own sake naman eh. Bakit mo nga naman ipipilit ang sarili mo sa taong hindi ka mahal. Oo mahal mo, pero ang tanong, mahal ka rin ba niya ng tulad ng pagmamahal mo sa kanya? Panigurado, Hindi. Wag mong ipagsisikan ang sarili mo sa puso ng isang tao dahil SAKIT lang ang aabutin mo. SAKIT sa Puso. Sige ka baka ma- atake ka pa niyan. Joke. Pero totoo naman eh, masakit, sobrang sakit. Lalo na kapag super effort ka na para lang mahalin ka rin niya. Tandaan mo, marami pa diyang iba na handing suklian ang pagmamahal mo. Pero paano mo nga ba sila mapapansin eh iisa lang naman ang laman ng puso’t isip mo.

 Try to open up your eyes. Try to think. Sinabi na nga sayo na hanggang friends lang kayo, ipagpipilit mo pa sarili mo sa kanya. Sakit lang aabutin mo, maniwala ka. Sakit lang. aabot pa yan sa point na it will give you sleepless nights. Alam naman natin na masarap magmahal lalo na kapag mahal ka rin ng mahal mo. Pero aminin man natin o hindi,bibihira na lamang ang mga ganitong sitwasyon sa mundo ng pag-ibig. Masakit mang isipin pero ikaw lang ang nagmamahal sa kanya ng sobra. Oo mahal ka niya pero hindi tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Mahal ka niya bilang isang kaibigan. Lahat naman siguro tayo, mahal ang ating mga kiabigan diba?  Alam natin na kapag umiibig, NAGPAPAKATANGA

Sabi nga sa movie na Paano Na Kaya, “lahat naman ng umiibig, nagpapakatanga diba, kaya tanga ng kung tanga pero mahal kita.” Di natin maiiwasan ang magpakatanga. Ikaw ba naman ang mainlove diba? Gagawin mo ang lahat kahit mapahiya ka para lang mapansin ka ng minamahal mo. Uso naman po ang hindi magpakatanga, promise, walang bayad yun. Isa pa kasing hirap sa atin kasi is yung salitang “ACCEPTANCE” mahirap talagang tanggapin na hindi ka mahal ng mahal mo. As in super hirap diba? Lalo na kapag alam mong super worth it ka rin naman para mahalin ka niya. Pero wake up, wag mo nang hayaang masaktan pa yung mga feelings mo. MOVE ON. Sasabihin mo, “paano ako mag m’move on, eh mahal ko pa siya?” dadagdagan mo pa ng “Paano ko siya kakalimutan, eh kung pag nakikita ko siya lahat ng plano kong pag limot nawawala.” Ano ba!, ituuon mo na lang ang oras mo sa ibang bagay. There are a lot of fun things to do than thinking of someone who doesn’t think of you at all. It’s time for you get over it. Snap out of it. Itigil mo na ang kahibangan mo.

Paulit ulit kong sinasabi, MASASAKTAN ka lang. nasaktan ka na nga ng once, hahayaan mo pang masaktan ka for the second time. Martir teh? Martir Koya? Usong uso yan ngayon, ang pagiging martir. Sana hindi ka sa isa sa mga ganun. O naging isa ka na sa kanila? Tandaan mo rin na “it is better for you two to be friends because there are some instances that the one you love cannot express his feelings to the one he loves.” Oha dami kong alam diba? May pinanghuhugutan? KORAK! Meron nga.  Pero hanggang kalian ka aasa sa taong wala ka naming pag asa? Kapag ba sinaktan ka na ng maraming beses? Kapag ba nakita mo na siyang may kasamang iba? Tsaka ka lang ba titigil sa kahibanagan mo kapag nangyari na yang mga yan? Ano ba! Tama na! Itigil na! Tapos mag d’drama ka, kakanta pa yan ng “AND I CAN’T FIGHT THIS FEELING ANYMORE” eh ikaw lang din naman ang nagbibigay ng dahilan para lalo ka pang masaktan besides sa napakasakit na katotohanan.

 Kung ako sayo, maghanap ka na lang ng iba. Paulit ulit ko nang sinasabi, MARAMI PANG IBA DIYAN. Ayaw mo lang talagang buksan ang puso mo sa iba. Tama na ah! Tama na! it’s time for you to start a new life. For the 3rd time kong sasabihin, MAG MOVE ON KA. Walang mawawala sayo kapag pinakawalan mo siya. Wag mo nang hintayin yung araw na siya na mismo magsasabi sayo ng “tama na” dahil mas lalo ka lang masasaktan. Sabi nga diba “IF YOU LOVE SOMEONE LET HIM/HER GO”.  Ibaling mo na lang yan pagtingin mo sa iba. Matuto ka ring makiramdam. Magtira ka sa sarili mo. Hindi masamang magmahal, ilagay mo lang sa tama. Intindihin mo naman kahit minsan yung nararamdaman mo.

 Mag nilay nilay ka naman kahit minsan. Isipin mo yung tama. Kahit gaano pa kasakit yan, para din naman sayo yang gagawin mo. Alam mo naman ngang mali na, patuloy mo pa rin ipagsisiksikan sarili mo sa kanya. Makiramdam! Be sensitive! Isipin mo sarili mo. Paulit ulit kong sinasabi, wag mong hayaan na masaktan ka ulit. Alam kong mahirap bumitaw lalo na kapag matagal mo na siyang mahal. Pero isipin mo rin, sapat na yung tatlo o limang taon mong pag hihirap para sa taong mahal mo.

 Mahirap talagang mag move on. Alam ko yan, pero as I’ve said, it’s for your own sake. Pag tumigil ka, walang mawawala sayo. Promise. Kaya ang ipapayo ko lang sayo (ano daw?) MOVE-ON, FIND ANOTHER PERSON THAT CAN RETURN THE LOVE THAT YOU ARE GIVING AND GET OVER.