Linggo, Abril 8, 2012

Agad–agad?


Tayo nga naman oo, maka text lang si crush, kilig agad, di lang makatulog kapag nakausap ang crush in love agad.  Hay, bakit ba kailangang mag madali? Di ba pwedeng take it slow muna? As in hinay hinay? Kaya maraming nasasaktan eh, kaya maraming umaasa. Gusto pag tungtong ng high school may boyfriend agad. Grabe kayo. Grabe lang ah.

Pero hindi naman masamang magmadali, ilagay nga lamang ito sa tama. Huwag sanang umabot sa oras na gagawin mo na ang lahat para lang makuha ang isang bagay. tandaan mo PATIENCE IS A VIRTUE. Hindi masamang mag hintay. At kung sa pag-ibig man yan, konting pasensya, oo matagal, pero pag dumating yan, sobra pa sa ineexpect mo and darating sayo. MAGHINTAY KA!  MAGHINTAY,

Pero bakit nga ba kailangang maghintay pagdating sa pag-ibig? Ahh! Alam ko na kung bakit. Bakit? Kasi may mas BAGAY, may mas MAGMAMAHAL pa sayo tulad ng pagmamahal mo sa isang tao. Teka teka, bakit nga puro pag-ibig ang pinag uusapan natin? Maiba nga naman tayo. Okay, going back, walang masamang maghintay. Sometimes it’s better to wait for something or someone even if it’s too long because you don’t know what your wait is worth.

Kaso wala akong maisip na ibang bagay tungkol sa pag hihintay eh. Puro laman ng isip ko pag-ibig. Ewan ko kung bakit siguro kasi may inspirasyon na naman ako. Okay. Pag-ibig na nga lang ulit. So, pag-ibig, paano ko ba sisimulan ulit ito? Ayon, maghintay tayo sa tamang pag-ibig. Malamang karamihan sa atin iniisip pag nakatagpo tayo ng isang tao siya na. NGAKAKAMALI KA ISANG PAGKAKAMALI. Ano ba! Mag isip ka nga! TRUE LOVE waits noh! TRUE LOVE waits. Yang mga panandalian pag-ibig nay an mga kuya’t ate, PUPPY LOVE lang yan. Hindi yan true love kasi nga dba paulit ulit kong sinasabi TRUE LOVE WAITS.

Mag hintay ka lang. Darating din yan. Sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon. Hindi man ngayon, pero balang  araw darating at darating din yan. Wag magmadali, MAGHINTAY OKAY? MAGHINTAY! Walang bayad yun. Walang wala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento