Text: a simple exchange of message that can turn everything into something special
Bakit kailangang matapos ang lahat? Bakit walang bagay na nagtatagal?
nakakalungkot mang isipin pero lahat ng bagay ay may hangganan. oo meron, pati nga pag ibig dba? may katapusan din. pero bakit kasi kailangang may hanggan? bakit di na lang pwedeng walang katapusan?
tapos na maliligayang araw mo simula nung hindi mo na siya makatext. dahilan mo? "kasi pag tinext ko pa siya, mas masasaktan lang ako kapag hindi siya nagreply". eh tanga ka pala eh. tapos eetchos ka at maglalaro ka ng toss coin na kung heads i tetext mo siya tas pag tail hindi mo na siya i t'text. ano ka baliw? kahibanagan .
Bakit mo nga ba siya hindi na i t'text? may ginawa ba siyang mali sayo? may ginawa ba siya na nakasakit sayo? Bakit? Bakit?
eh kasi yung tipong Di-ko-na-lang-siya-it'text-para-di-na-ako-masaktan-pa na mga drama mo. aren't you getting tired of it? wala namang ginawa yung tao tas sasabihin mo sinaktan ka? eh OGAGS ka pala eh.
Alam mo, ikaw lang din naman kasi yung nagpapasakit ng nadarama mo eh, di lang magtext ng isang araw iisipin, "nakalimot na siya" di lang mapasahan ng gm iisipin "wala na, di na yun magpaparamdam" porket ba hindi siya nag paramdam nakalimot agad? di ba pwedeng wala muna siyang load?
hay, nga naman, laking bagay nga naman nadudulot ng mga text messages na yan. biruin mo ha, sa text, pwede mong sabihin lahat ng nadarama mo. Lalo na sa mga GM mo.
Aba, pwede ka kayang magpatama sa GM, kahit anong salitang nais mong iparating! as in patama na hindi man lang tumama sa mahal mo. diba diba? aminin? nagpapatama ka rin sa mga GM's mo! ahahaha
tapos sa text ka rin pwedeng magpakilala bilang secret admirer sa taong gustong gusto mo. as in gusto to the highest level. yung mga moments niyo ba na magtetext kahit pasado ala una na ng madaling araw. gusto mo siya eh kaya i'ttext mo siya kahit anong antok mo. aba minsan lang kaya mangyari yun. aayaw ka pa? try mo kaya? tapos bawat text pa niya sin'save mo pa. kahit mapuno pa yang inbox mo ng text niya.
Pati ata smiley face at blank message niya sin'save pa eh.
sus, nga naman noh, masarap talaga ang feeling na katext mo yung crush/mahal mo.
it will give you that kilig to the max feeling.
pero bakit matapos lahat ng saya, kilig. sakit ang nararamdaman mo? Karma ba 'to?
tapos mababalitaan mo na wala na siyang phone! ooooohmmmyyygulaaayyyy ang drama. XD
Mas nasaktan ka pa kasi bukod sa nagsisisi ka nalulungkot pa at the same time! why?
nagsisisi ka kasi sinayang mo yung mga opurtunidad na pwede kayong magkatext.
nalulungkot ka rin kasi hindi na niya alam number mo at mawawalan na kayo ng
ko-mu-ni-kas-yon.
higit sa lahat malulungkot ka kasi di mo na siya mas'sendan ng mga GM mong patama sa kanya. ahahaha KIDDING. XDD
aha! alam ko na dapat mong gawin, balik balikan mo na lang mga texts niyo dati. yun ay kung nakasave. basta isipin mo na lang yung mga alaala niyong dalawa (sa text syempre).
tandaan mo 'to ah! Isaksak mo sa kokote mo! ahaha (peace tayo)! : don't cry because it's over, smile because it happened.
tandaan mo yun ahh!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento