Sabado, Abril 7, 2012

Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sayo.


Masakit mang tanggapin, pero totoo. Alam naman natin na Truth always Hurts diba? Pero it’s for our own sake naman eh. Bakit mo nga naman ipipilit ang sarili mo sa taong hindi ka mahal. Oo mahal mo, pero ang tanong, mahal ka rin ba niya ng tulad ng pagmamahal mo sa kanya? Panigurado, Hindi. Wag mong ipagsisikan ang sarili mo sa puso ng isang tao dahil SAKIT lang ang aabutin mo. SAKIT sa Puso. Sige ka baka ma- atake ka pa niyan. Joke. Pero totoo naman eh, masakit, sobrang sakit. Lalo na kapag super effort ka na para lang mahalin ka rin niya. Tandaan mo, marami pa diyang iba na handing suklian ang pagmamahal mo. Pero paano mo nga ba sila mapapansin eh iisa lang naman ang laman ng puso’t isip mo.

 Try to open up your eyes. Try to think. Sinabi na nga sayo na hanggang friends lang kayo, ipagpipilit mo pa sarili mo sa kanya. Sakit lang aabutin mo, maniwala ka. Sakit lang. aabot pa yan sa point na it will give you sleepless nights. Alam naman natin na masarap magmahal lalo na kapag mahal ka rin ng mahal mo. Pero aminin man natin o hindi,bibihira na lamang ang mga ganitong sitwasyon sa mundo ng pag-ibig. Masakit mang isipin pero ikaw lang ang nagmamahal sa kanya ng sobra. Oo mahal ka niya pero hindi tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Mahal ka niya bilang isang kaibigan. Lahat naman siguro tayo, mahal ang ating mga kiabigan diba?  Alam natin na kapag umiibig, NAGPAPAKATANGA

Sabi nga sa movie na Paano Na Kaya, “lahat naman ng umiibig, nagpapakatanga diba, kaya tanga ng kung tanga pero mahal kita.” Di natin maiiwasan ang magpakatanga. Ikaw ba naman ang mainlove diba? Gagawin mo ang lahat kahit mapahiya ka para lang mapansin ka ng minamahal mo. Uso naman po ang hindi magpakatanga, promise, walang bayad yun. Isa pa kasing hirap sa atin kasi is yung salitang “ACCEPTANCE” mahirap talagang tanggapin na hindi ka mahal ng mahal mo. As in super hirap diba? Lalo na kapag alam mong super worth it ka rin naman para mahalin ka niya. Pero wake up, wag mo nang hayaang masaktan pa yung mga feelings mo. MOVE ON. Sasabihin mo, “paano ako mag m’move on, eh mahal ko pa siya?” dadagdagan mo pa ng “Paano ko siya kakalimutan, eh kung pag nakikita ko siya lahat ng plano kong pag limot nawawala.” Ano ba!, ituuon mo na lang ang oras mo sa ibang bagay. There are a lot of fun things to do than thinking of someone who doesn’t think of you at all. It’s time for you get over it. Snap out of it. Itigil mo na ang kahibangan mo.

Paulit ulit kong sinasabi, MASASAKTAN ka lang. nasaktan ka na nga ng once, hahayaan mo pang masaktan ka for the second time. Martir teh? Martir Koya? Usong uso yan ngayon, ang pagiging martir. Sana hindi ka sa isa sa mga ganun. O naging isa ka na sa kanila? Tandaan mo rin na “it is better for you two to be friends because there are some instances that the one you love cannot express his feelings to the one he loves.” Oha dami kong alam diba? May pinanghuhugutan? KORAK! Meron nga.  Pero hanggang kalian ka aasa sa taong wala ka naming pag asa? Kapag ba sinaktan ka na ng maraming beses? Kapag ba nakita mo na siyang may kasamang iba? Tsaka ka lang ba titigil sa kahibanagan mo kapag nangyari na yang mga yan? Ano ba! Tama na! Itigil na! Tapos mag d’drama ka, kakanta pa yan ng “AND I CAN’T FIGHT THIS FEELING ANYMORE” eh ikaw lang din naman ang nagbibigay ng dahilan para lalo ka pang masaktan besides sa napakasakit na katotohanan.

 Kung ako sayo, maghanap ka na lang ng iba. Paulit ulit ko nang sinasabi, MARAMI PANG IBA DIYAN. Ayaw mo lang talagang buksan ang puso mo sa iba. Tama na ah! Tama na! it’s time for you to start a new life. For the 3rd time kong sasabihin, MAG MOVE ON KA. Walang mawawala sayo kapag pinakawalan mo siya. Wag mo nang hintayin yung araw na siya na mismo magsasabi sayo ng “tama na” dahil mas lalo ka lang masasaktan. Sabi nga diba “IF YOU LOVE SOMEONE LET HIM/HER GO”.  Ibaling mo na lang yan pagtingin mo sa iba. Matuto ka ring makiramdam. Magtira ka sa sarili mo. Hindi masamang magmahal, ilagay mo lang sa tama. Intindihin mo naman kahit minsan yung nararamdaman mo.

 Mag nilay nilay ka naman kahit minsan. Isipin mo yung tama. Kahit gaano pa kasakit yan, para din naman sayo yang gagawin mo. Alam mo naman ngang mali na, patuloy mo pa rin ipagsisiksikan sarili mo sa kanya. Makiramdam! Be sensitive! Isipin mo sarili mo. Paulit ulit kong sinasabi, wag mong hayaan na masaktan ka ulit. Alam kong mahirap bumitaw lalo na kapag matagal mo na siyang mahal. Pero isipin mo rin, sapat na yung tatlo o limang taon mong pag hihirap para sa taong mahal mo.

 Mahirap talagang mag move on. Alam ko yan, pero as I’ve said, it’s for your own sake. Pag tumigil ka, walang mawawala sayo. Promise. Kaya ang ipapayo ko lang sayo (ano daw?) MOVE-ON, FIND ANOTHER PERSON THAT CAN RETURN THE LOVE THAT YOU ARE GIVING AND GET OVER.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento