“Ang hirap ng ganito! Bakit kasi ganun pa eh!
Sana ginawa na lang ganito!” Naiiyak at
naiinis na sinasabi ni Melissa sa kanyang sarili. Si Melissa ay isang
estudyante ng ikalawang taon sa hayskul. Bago pa humantong sa sitwasyon na
kinakaharap ngayon ni Melissa ngayon, siya ay isa lamang sa mga kabataan na
ginagawang inspirasyon ang pagkakaroon ng gusto sa isang tao.
Ngunit sa kasamaang palad, lahat ng
ito ay nagbago nang makilala niya si Rico. Si Rico ay isang estudyante sa
ikaapat na taon. Siya ay matalino, magaling sa pagtugtog ng instrument at higit
sa lahat, isang mabait na bata.
Nasa unang taon sa hayskul si
Melissa noong nakikita pa lamang niya si Rico. “Tignan mo oh, si kuya ang liit,
di angkop yung taas niya para sa year level niya” wika ni Melissa sa kanyang
kaibigan. Ngunit hindi inasahan ni Melissa na magbabago ang kanyang pagtingin
kay Rico. Nang matapos ang taong panuruan, tumungtong na si Melissa sa
ikalawang taon sa hayskul. Noong una ay hindi na naaalala ni Melissa si Rico. Subalit
nagdaos ng “English Month” ang paaralan ni Melissa at doon muli niyang nakita
si Rico sa isang patimpalak na inorganisa ng kanilang eskwelahan.
“Uy! Si kuya pala iyon” pangiting
sinabi ni Melissa sa kanyang sarili. Nang matapos ang patimpalak, nag-usap si
Melissa at ang kanyang kaibigan. “Uy! Ang cute nung nasa Aula kanina”. Sabi ni
Melissa. “Crush mo naman?” tugon ng kanyang kaibigan. “Grabe ka naman! Sinabi lang
cute crush agad.” Ani niya.
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing…. Oras na para mag recess, kasamang bumaba ni Melissa
ang kanyang kaibigan. Nang ‘di niya napapansin, nandoon si Rico sa may tapat ng
kantina. “Uy! Ayon si kuya oh” wika ni Melissa. “Sinong kuya?” tugon ng
kaibigan niya. “Si kuya yung sa contest kanina.” Sagot niya. “Ahh si kuya” ani
naman ng kanyang kaibigan. Noong una pa lamang Makita ni Melissa si Rico ay
alam na niyang unti-unti na niyang nagugustuhan ito.
Ngunit sa mga panahong iyon ay
hindi pa alam ni Melissa ang pangalan ni Rico. Nang mag-uwian na at dumating na
sa bahay si Melissa, hinanap niya agad sa facebook
ang pangalan ng kanyang nagugustuhan. Marami ang pinuntahang profiles si Melissa upang mahanap lamang
ang taong hinahanap niya. At nang nahanap na niya ito, agad niyang ninaisna
maging kaibigan nito. Ilang araw rin bago siya tinanggap sa facebook. Nagsaya si Melissa nang
malaman niyang tinanggap na siya ni Rico bilang kaibigan.
Hindi naitago ni Melissa ang galak
sa kanyang sarili. Hindi lang doon nagtapos ang tuwa niya sapagkat noong araw
ding iyon ay nag-simula na ang pagkakaroon nila ng komunikasyon sa pamamagitan
ng text messaging. “Oh myyyyyy! Eeeeeeee.”
Tumatalong bigkas ni Melissa. Inabot ang kanilang pag-uusap hanggang ala-una ng
umaga. Agad na ipinaalam ni Melissa sa kanyang mga kaibigan ang nangyari noong
gabi.
“Ui, si Rico” ani ni Melissa. “Anong
nangyari?” sagot naman ng kaibigan niya. “Baliw, tinanggap na niya ako sa facebook at guess what! Mag ka-text pa kami.” Masayang masayang tugon
ni Melissa. “Weh di nga?” nag-aalangang sagot ng kanyang kaibigan. “Ayaw mong
maniwala? Sige bukas ipapakita ko sayo!” Pagmamalaking wika ni Melissa. Lumipas
ang mga araw at patuloy pa ring nagkakausap sila Melissa at Rico.
Ngunit ika nga nila, walang magandang
pangyayari sa buhay ng isang tao ang tumatagal. Nagbago ang lahat noong
dumating ang panahon ng tag-init. Unti-unting naglaho ang kanilang komunikasyon.
Madalang na lamang silang nagkakaroon ng panahon upang makapag-usap, hindi tulad
dati na halos araw-araw. Nalungkot si Melissa nang tuluyan nang mawala ang
kanilang ugnayan sa isa’t isa.
“Bakit ganun? Bakit kailangang
mangyari sa akin ang mga ganitong bagay?” tanong ni Melissa sa kanyang sarili.
Maraming katanungan si Melissa sa kanyang isip na kahit anong paliwanag sa
kanya ng mga kaibigan niya ay hindi pa rin niya ito maiwasang isipin.
“Bakit ko kasi siya sineryoso eh! Naiinis
ako sa sarili ko, sabi ko hanggang pag hanga lang ako sa kanya, pero bakit
ganito? Bakit kahit walang namagitan sa aming dalawa eh nasasaktan ako?” Lagi na lamang nag-iisip si Melissa tungkol sa
isyung ito sa kanyang buhay.
Unang taon na sa kolehiyo ngayon si
Rico, ngunit simula nang maputol ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa ay ni
minsan ay hindi pa nagpaparamdam si Rico kay Melissa. Laging umaasa si Melissa
na isa sa mga araw na iyon ay magpaparamdam na si Rico sa kanya. Ngunit hindi
ito nangyari kung kaya’t sumuko na si Melissa sa kaka-asa sa wala.
Ngayon, pilit na kinakalimutan ni
Melissa si Rico sapagkat napag-isip isip ni Melissa na kahit anong gawin niya
ay hindi rin naman siya mapapansin muli nito. Kaya kahit labag sa kalooban ni
Melissa na kalimutan ang taong pinakamamahal niya, ay pilit pa rin niya itong
ginagawa upang hindi na siya muling masaktan pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento