Huwebes, Hulyo 26, 2012

Minsan Lang




 “Ang hirap ng ganito! Bakit kasi ganun pa eh! Sana ginawa na lang ganito!”  Naiiyak at naiinis na sinasabi ni Melissa sa kanyang sarili. Si Melissa ay isang estudyante ng ikalawang taon sa hayskul. Bago pa humantong sa sitwasyon na kinakaharap ngayon ni Melissa ngayon, siya ay isa lamang sa mga kabataan na ginagawang inspirasyon ang pagkakaroon ng gusto sa isang tao.

Ngunit sa kasamaang palad, lahat ng ito ay nagbago nang makilala niya si Rico. Si Rico ay isang estudyante sa ikaapat na taon. Siya ay matalino, magaling sa pagtugtog ng instrument at higit sa lahat, isang mabait na bata.

Nasa unang taon sa hayskul si Melissa noong nakikita pa lamang niya si Rico. “Tignan mo oh, si kuya ang liit, di angkop yung taas niya para sa year level niya” wika ni Melissa sa kanyang kaibigan. Ngunit hindi inasahan ni Melissa na magbabago ang kanyang pagtingin kay Rico. Nang matapos ang taong panuruan, tumungtong na si Melissa sa ikalawang taon sa hayskul. Noong una ay hindi na naaalala ni Melissa si Rico. Subalit nagdaos ng “English Month” ang paaralan ni Melissa at doon muli niyang nakita si Rico sa isang patimpalak na inorganisa ng kanilang eskwelahan.

“Uy! Si kuya pala iyon” pangiting sinabi ni Melissa sa kanyang sarili. Nang matapos ang patimpalak, nag-usap si Melissa at ang kanyang kaibigan. “Uy! Ang cute nung nasa Aula kanina”. Sabi ni Melissa. “Crush mo naman?” tugon ng kanyang kaibigan. “Grabe ka naman! Sinabi lang cute crush agad.” Ani niya.

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing…. Oras na para mag recess, kasamang bumaba ni Melissa ang kanyang kaibigan. Nang ‘di niya napapansin, nandoon si Rico sa may tapat ng kantina. “Uy! Ayon si kuya oh” wika ni Melissa. “Sinong kuya?” tugon ng kaibigan niya. “Si kuya yung sa contest kanina.” Sagot niya. “Ahh si kuya” ani naman ng kanyang kaibigan. Noong una pa lamang Makita ni Melissa si Rico ay alam na niyang unti-unti na niyang nagugustuhan ito.

Ngunit sa mga panahong iyon ay hindi pa alam ni Melissa ang pangalan ni Rico. Nang mag-uwian na at dumating na sa bahay si Melissa, hinanap niya agad sa facebook ang pangalan ng kanyang nagugustuhan. Marami ang pinuntahang profiles si Melissa upang mahanap lamang ang taong hinahanap niya. At nang nahanap na niya ito, agad niyang ninaisna maging kaibigan nito. Ilang araw rin bago siya tinanggap sa facebook. Nagsaya si Melissa nang malaman niyang tinanggap na siya ni Rico bilang kaibigan.


Hindi naitago ni Melissa ang galak sa kanyang sarili. Hindi lang doon nagtapos ang tuwa niya sapagkat noong araw ding iyon ay nag-simula na ang pagkakaroon nila ng komunikasyon sa pamamagitan ng text messaging. “Oh myyyyyy! Eeeeeeee.” Tumatalong bigkas ni Melissa. Inabot ang kanilang pag-uusap hanggang ala-una ng umaga. Agad na ipinaalam ni Melissa sa kanyang mga kaibigan ang nangyari noong gabi.

“Ui, si Rico” ani ni Melissa. “Anong nangyari?” sagot naman ng kaibigan niya. “Baliw, tinanggap na niya ako sa facebook at guess what! Mag ka-text pa kami.” Masayang masayang tugon ni Melissa. “Weh di nga?” nag-aalangang sagot ng kanyang kaibigan. “Ayaw mong maniwala? Sige bukas ipapakita ko sayo!” Pagmamalaking wika ni Melissa. Lumipas ang mga araw at patuloy pa ring nagkakausap sila Melissa at Rico.

Ngunit ika nga nila, walang magandang pangyayari sa buhay ng isang tao ang tumatagal. Nagbago ang lahat noong dumating ang panahon ng tag-init. Unti-unting naglaho ang kanilang komunikasyon. Madalang na lamang silang nagkakaroon ng panahon upang makapag-usap, hindi tulad dati na halos araw-araw. Nalungkot si Melissa nang tuluyan nang mawala ang kanilang ugnayan sa isa’t isa.

“Bakit ganun? Bakit kailangang mangyari sa akin ang mga ganitong bagay?” tanong ni Melissa sa kanyang sarili. Maraming katanungan si Melissa sa kanyang isip na kahit anong paliwanag sa kanya ng mga kaibigan niya ay hindi pa rin niya ito maiwasang isipin.

“Bakit ko kasi siya sineryoso eh! Naiinis ako sa sarili ko, sabi ko hanggang pag hanga lang ako sa kanya, pero bakit ganito? Bakit kahit walang namagitan sa aming dalawa eh nasasaktan ako?” Lagi na lamang nag-iisip si Melissa tungkol sa isyung ito sa kanyang buhay.

Unang taon na sa kolehiyo ngayon si Rico, ngunit simula nang maputol ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa ay ni minsan ay hindi pa nagpaparamdam si Rico kay Melissa. Laging umaasa si Melissa na isa sa mga araw na iyon ay magpaparamdam na si Rico sa kanya. Ngunit hindi ito nangyari kung kaya’t sumuko na si Melissa sa kaka-asa sa wala.

Ngayon, pilit na kinakalimutan ni Melissa si Rico sapagkat napag-isip isip ni Melissa na kahit anong gawin niya ay hindi rin naman siya mapapansin muli nito. Kaya kahit labag sa kalooban ni Melissa na kalimutan ang taong pinakamamahal niya, ay pilit pa rin niya itong ginagawa upang hindi na siya muling masaktan pa.


Biyernes, Hulyo 6, 2012

I'm still in love but all i heard was NOTHING

Bakit ganun? Bakit hindi na lang ginawang ganito?


Hirap talaga mag "go on with the flow" sa buhay. Madaling sabihin pero mahirap gawin.



Bakit pa kasi nauso yung mga ganyang EMOSYON eh. Pwede namang happiness na lang lahat.


Sana lang talaga may pagkakataon ako na maibalik yung dati.


COMPLETELY STRANGERS.


Para di ganito yung na f'feel ko. 

Ngunit, Subalit, dadapwat..

Sino nga naman ba kasi ako para masaktan? or let me rephrase my question, Sino ba naman kasi ako para magselos?

WALA AKONG KARAPATAN.. WALA, WALA. :(

Sakit tanggapin yung katotohanan noh?

yung sakit eh tumama sa right ventricle mo tas tumagos pa sa left ventricle!

Ba't di na lang isama pati yung right and left atrium para piraso na lang 'tong puso ko?

Dati, pag nakikita ko siya sumasaya ko.

pero kanina it seems that everything changed like magic.

ang kasi ang nanagyari ehh nung nakita ko siya bigla na lang... alam na! Nasaktan!

Pero iniisip ko rin. Bakit ako nasasaktan? eh wala naman siyang ginawa na nakasakit sa akin.

Naiiyak, Nalulungkot, Nagmumukmok, Nayayamot ako.

Bakit ako nagka ganito. Bakit sineryoso ko? Bakit nahulog ako ng TODO.

Di naman nga kasi masamng umibig, kaso wag nga lang Dibdibin masyado.

ngayon, di ko na ma explain yung feelings ko for him.

Para bang pag andyan siya, nawawala yung sakit.

Tas pag wala siya, todo yung isip ko sa mga sakit 

Magulo, Nakakabaliw.

Di ko alam kung anong gagawin ko.

NALILITO.

kung pwede nga lang mag turn back ze time eh.

Siguradong BABAGUHIN ko ang lahat.

Mahirap mag desisyon. MAHIRAP magtago ng damdamin

MAHIRAP pigilin ang luha..

OA na kung OA pero Masakit lang talaga.

Sinasabi ko na wala na kong paki alam pero ayun,

Nag iisip pa rin. Di ko mapigilan.

Ba't ko pa kasi siya nakilala eh.

Bakit sa lahat sa kanya pa ako nag ka ganito.

Ang sakit. parang nahulog ka sa 7th floor at walang sumalo sayo sa ibaba.

Sa totoo lang, sa tingin ko, manhid na tong hypothalamus ko.

bakit? di na nya kasi nararamdamn yung sakit every night eh.

kumbaga, SAWA na siya sa kaiisip. :(

Anys, ganyan talaga ang buhay.. kailangang tiisin.

Makakalimutan ko rin siya! TIWALA lang! :D