Sabado, Mayo 4, 2013

ASA pa U

"Wala naman akong karapatang masaktan kasi hindi naman naging kami"

Pero bakit? anong nangyayari?! bakit kahit anong pilit kong i remind sa sarili ko na wala naman talaga akong karapatan eh, nasasaktan pa rin ako. :(

Hindi nga naman naging kami, pero bakit ako nasasaktan ng ganito?! UMASA?! siguro.. umasa na sana hindi siya katulad ng iba na bigla bigla na lang mang iiwan bilang kaibigan. yung tipong kahit magkalayo na kami ng agwat eh friends pa rin kami. yung walang hiyaan, walang AWKWARDNESS! walang ilangan, para walang nasasaktan..

UMASA ako na sana magtagal yung friendship, umasa ako na iba siya sa iba kong naging mga kaibigan. umasa ako na sana hindi mawala yung communications na sana maibalik ang lahat ng meron dati. pero masaklap nga lang kasi umasa ako sa wala! :(

Nag assume daw ako kaya ako nasaktan! pero hindi eh, alam ko naman kasi sa sarili ko na friends lang ang gusto ko. Pwede na rin na more than friends but less than lovers. yung tipong in between. hindi MU ha?! basta FRIENDS

pero wala eh, nagbago ang lahat simula noong nagkahiwalay kami ng landas. tunay nga naman na lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago. lahat ng pinagsamahan biglang mawawala, biglang maglalaho! :(

masakit mang isipin pero kailangan, masakit mang tanggapin pero mas higit na kailangan. 

Biyernes, Mayo 3, 2013

M E M O R I E S....

"Maybe the person from the past needs to come back to your life to make you realize what you've had and what you have took for granted"-PNK

"Hindi na ako iiyak pang muli sa kanya, hindi na ako aasa!" pero bakit kailangang bumalik sa dati ang lahat? Bakit kailangang bumalik yung mga panahaon na labis kong namimiss?! 

Bakit kung kailangan naka move on ka na sa isang tao tsaka siya babalik, tsaka siya magpaparamdam ulit sa iyo? Hindi ko lang maintindihan yung point na bakit kailangan mo pa siyang i text o kausapin pero alam mo naman na ang kakahantungan ng gagaawin mo sa huli.

"Oo, sa susunod na makakaharap ko siya o makakatext man lang, sisiguraduhin ko na a lot stronger person na ang makakausap niya" pero anong nangyari? bakit nakakapanghina pa rin? bakit parang hindi natuto ang puso't isipan? yung tipong alam na nga na ganito yung mangyayari pero hinayaan mo pa rin yung sarili mo na gawin iyong bagay na 'yon at MASAKTAN!

Bakit pa kasi kasi kailangan mong umeffort na ibalik yung dati kung ayaw naman na nung taong ine'effortan mo na mabalik yung dating kayo?! Masakit mang isipin, pero totoo naman eh, nagsasayang ka lang ng effort. sinasaktan mo lang yung sarili mo.

"Atleast umeffort ka na itext siya" oo nga umeffort ka nga na itext siya pero may magagawa ka ba na ways para mag reply siya sayo?! masasaktan ka rin naman kasi kahit umeffort ka eh! alam mo na ngang hindi magrereply, ineffortan mo pa!

"Last na 'to, hindi na ako aasa!" Kung ayaw niya edi ayaw niya! as simple as that. Bakit mo nga naman pipilitin ang isang tao sa ayaw niya?! may magagawa ka ba para mabago ang isip niya? may magagawa ka pa ba para mabalik ang dati kung ikaw lang ang umeeffort? 

 Hindi naman robot ang  tao para hindi MAPAGOD!

Hindi naman robot ang tao para hindi MASAKTAN! 

Hindi naman robot ang tao para hindi UMIYAK! 

Nakakatuwa nga lang isipin na kahit nasasanktan ka na eh, ayan, pilit mo pa ring ibabalik yung dati! pilit mo pa ring ipipilit ang hindi pwede!  Alam na nga na hindi na maaaring maibalik ang dating kayo, pero gagawa at gagawa ka pa rin ng paraan para maibalik 'yon! kahit NAHIHIRAPAN ka na, kahit NAPAPAGOD ka na! 
Mahal mo eh! kaya malamang, e'effortan mo! 

gustuhin mo mang makausap siya, wala na eh, hanggang doon na lang siguro ang lahat! Magpahinga ka naman! Kung ayaw na niya! wag mo ng pilitin pa!

MASASAKTAN ka lang, IIYAK ka lang! 

siguro hanggang doon na lang ang lahat! tanggapin mo na lang ang katotohanan na sadyang wala ka ng magagawa para bumalik yung dati!

"Don't cry because it is over, smile because it happened"  and besides, atleast alam mo sa sarili mo na gumawa ka ng paraan para maayos ang sitwasyon! pero hindi nga lang umepekto sa kanya! 

Mas masayang mabuhay sa mundo na alam mo sa sarili mo na kilala ka pa niya, kesa sa malaman mo ang katotohanan na kinalimutan ka na pala niya!