"Wala naman akong karapatang masaktan kasi hindi naman naging kami"
Pero bakit? anong nangyayari?! bakit kahit anong pilit kong i remind sa sarili ko na wala naman talaga akong karapatan eh, nasasaktan pa rin ako. :(
Hindi nga naman naging kami, pero bakit ako nasasaktan ng ganito?! UMASA?! siguro.. umasa na sana hindi siya katulad ng iba na bigla bigla na lang mang iiwan bilang kaibigan. yung tipong kahit magkalayo na kami ng agwat eh friends pa rin kami. yung walang hiyaan, walang AWKWARDNESS! walang ilangan, para walang nasasaktan..
UMASA ako na sana magtagal yung friendship, umasa ako na iba siya sa iba kong naging mga kaibigan. umasa ako na sana hindi mawala yung communications na sana maibalik ang lahat ng meron dati. pero masaklap nga lang kasi umasa ako sa wala! :(
Nag assume daw ako kaya ako nasaktan! pero hindi eh, alam ko naman kasi sa sarili ko na friends lang ang gusto ko. Pwede na rin na more than friends but less than lovers. yung tipong in between. hindi MU ha?! basta FRIENDS
pero wala eh, nagbago ang lahat simula noong nagkahiwalay kami ng landas. tunay nga naman na lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago. lahat ng pinagsamahan biglang mawawala, biglang maglalaho! :(
masakit mang isipin pero kailangan, masakit mang tanggapin pero mas higit na kailangan.